Wednesday, July 31, 2019

PAKIKIPANAYAM (INTERVIEW):
                               
                     
Pakikipanayam: Ang pakikipanayam o pangagaglugad ng isang impormasyon ay isang paraaan ng pagkuha ng impormasyon o kabatiran nang harap-harapan. Kung nais nating makuha ang kinakailangan nating kabatiran ay pumili ng mga dalubhasa sa kanilang larangan na nagtataglay ng ganap na kaalaman sa nais nating mabatid.

  Image may contain: 1 person, eyeglasses              Image may contain: 1 person, closeup    MARICEL DION

                                                                           
Pakikipanayam sa Isang Tindera:

    Ako si Rose Ann H. Dion at ang aking kakapanayamin ay isang tindera sa barangay         MARARIGUE, SAN MANUEL, ISABELA na nag ngangalang Maricel Jacinto Dion.

  Rose:             hai, ate magandang hapon.
Ate Maricel:   hai din, anong maipaglilingkod ko?
Rose:             so, ate pwede ba akong mag tanung sayo o pwede ba kitang kapanayamin o iinterview?
Ate Maricel:   pwede, tungkol ba saan?
Rose:             tungkol ito sa pagtitinda mo ate o bilang tindera?
Ate Maricel:   okay sige
Rose:             so, ate bakit niyo na isipang magtayo ng sari- sari store?
Ate Maricel:   naisipan namin ng asawa ko na magtayo ng kaunting sari-sari store para sa pang tustos sa pangangailangan ng aming anak. at dahil din sa  nakita namin na kakaunti lang ang nagtitinda dito sa ating baryo kaya nagtayo kami ng kahit kaunti na sari-sari store.
Rose:              Masaya po ba kayo ate?
Ate Maricel:   OO, masaya  kasi kahit papano yung ipinatayo naming kaunting sari-sari store eh lumago at ngayon may sapat na kaming pinagkukunan ng pangangailangan ng mga pamilya ko.
Rose:             ahm, ilang taon na kayo nagseserbisyo bilang tindera ate?
Ate Maricel:   nag umpisa ito noong edad na 25 ako at ngayon ay 31 na ako. kaya naman 6 years na ang serbisyo ko bilang isang tindera.
Rose:             Ilan po ate yung kita mo sa isang araw o isang buwan?
Ate Maricel:   depende, kung marami ang bibili, pero sa isang araw may kita ako na 500 pataas  dahil rin siguro sa mga tinda kong mabili at kaaliw bilhin ng mga mabibili sakin.
Rose:             Ipagpapatuloy mo pa ang nasimulan mo ate?
Ate Maricel:  Syempre ipagpapatuloy ng aking asawa ang nasimulan namin kasi ako mag aabroad na ako kaya naman ang asawa ko na muna ang magpapatuloy sa nasimulan naming bussiness.
Rose:             so, yun lang po ate salamat, sa pagsagot ng aking mga katanungan saiyo. salamat rin sa iyong partisipasiyon.
Ate Maricel:   oo deng, walang anuman.
Rose:            Sige po ate.salamat ulit

Tuesday, July 30, 2019

                     
  "KATITIKAN NG PULONG NG MGA BARANGAY                        OFFICIALS PARA SA MGA KANDIDATO NG KANI-                   KANIYANG PUROK SA  BARANGAY MARARIGUE"


Mga Dumalo:

Punong barangay:  ROLLY B.VILLAPA             
Kagawad: Maricel Obania
Kagawad: Teresa Menchate
Kagawad: Ruby Dacumos
Kagawad: Lolita Organista
Kagawad: Sebio Munar

Di Nakadalo:

Kagawad: Pepito Natura
Kagawad: Nolly Dacumos


Petsa: January 30, 2019
   

Ang pagpupulong ay pinasimulan ni Punong Barangay Rolly Villapa sa ganap na ika- 9:00 ng umaga, at ito ay pinasimulan ni Kagawad Sebio Munar sa panalangin. kasunod ng panalangin ay kanila ng pinag usapan ang gaganaping programa sa brgy; mararigue para sa kandidato ng bawat purok.


AGENDA:

Talakayan kung kailan at saan gaganapin ang programa para sa mga kandidato ng bawat purok.

Talakayan kung sino ang mga isasaling kandidato ng bawat purok.

Talakayan para sa budget na kakailanganin.

Pagsang- Ayon:
   

Kagawad: Ruby Dacumos

Mga nag Organisa: 

barangay captain: Rolly Villapa
Kagawad: Maricel Obania
Kagawa : Teresa Obania
Kagawad: Ruby Dacumos
Kagawad: Lolita Organista
Kagawad: Sebio Munar

Deklarasyon ng Kurom:

Pagbabasa at pagkop ng mga nakaraang minuto

PAGTATAPOS:

natapos ang pagpupulong sa ganap  na ika- 12 ng tanghali.


       

Monday, July 29, 2019

BIONOTE:


 ROSE ANN H. DION:


    











Si Rose Ann Dion ay Ipinanganak sa Barangay Mararigue, San Manuel, Isabela noong hunyo 4, 2002. Siya ay anak nina Rodolfo P. Dion at Valentina H. Dion. Siya ay nag aral ng elementarya sa Mararigue, Elementary, School. edad na 5 na sumasali rin sa mga patimpalak sa kanilang paaralan gaya nalang ng pagsayaw at lalo na ang pagkanta. Pinag patuloy niya ito hanggang naka pag tapos siya ng edad na 10 taong 2013-2014 sa elementarya. Hindi siya huminto sa kanyang pangarap at ang kanyang nasimulan ay kanyang pinag patuloy. Siya ay nag aral ng Junior high  sa Malalinta National High School at nag graduate siya taong 2016-2017. Nag pursige siya para sa kanyang pangarap at pinag patuloy niya ang kanyang pag aaral ng Senior High School at ngayon siya ay nag-aaral ng Grade 12 sa Malalinta National High School.

Thursday, July 18, 2019

2.00



                                                         ABSTRAK:
                                  
                                   " PANGARAP PARA SA MAGANDANG BUHAY"

                                       Related image              

        Ang pangarap para sa magandang buhay ay nagsasaad ng iyong tagumpay  at ito ang iyong ninanais na makuha bilang layunin mo sa iyong sarili. Upang makamit mo ito kailangan mo ng tiyaga sa iyong sarili at kasipagan. Hindi sapat na ang isang tao ay may mayroon lang pangarap. Kailangang nya itong samahan ng tiwala sa sarili at paggawa. Bawat taong nabubuhay dito sa mundong ibabaw ay may kani-kaniyang pangarap. Malaki ang papel na ginagampanan nito sa ating buhay. Dahil dito, lumuluha tayo nang hindi natin alam at ngumingiti tayo nang hindi natin namamalayan. Lahat ng bagay na akala natin ay hindi natin kayang gawin ay ating nagagawa dahil sa ating determinasyon, tiwala sa sarili at pagsisikap para lang maabot ang pinakamimithi nating pangarap. Naaalala ko pa ang paboritong itanong sa aki ng  mga guro noong ako’y nasa elementarya pa lamang at lalong - lalo na noong ako’y sumampa na sa hayskul . Gusto kong maging isang tanyag na guro upang maibahagi ang aking alam, maging inspirasyon at humubog ng mga mag-aaral na magsisilbing pag-asa ng ating hinaharap. Itinuturing kong bagong bayani ang mga guro. Sapagkat sa guro nakasalalay ang mga buhay at pangarap ng mga batang ipinagkatiwala sa kanila ng mga umaasang magulang. Dahil din dito, sa guro nakasalalay kung ilan sa mga tinuturuan niya ang mamumuno ng bansa, papatay ng tao, magiging artista o magiging isa na namang guro at marami pang iba. Kaya para sa akin, masaya at masarap maging isang guro. Nagbabahagi ka na ng iyong kaalaman, may natutunan ka pang bago sa mga tinuturuan mo. Matututunan mong humarap sa ibat-ibang klase ng tao. Mula sa pinakamababa hanggang sa pinakamataas. Matututunan mong magpahaba ng pasensya sa mga taong makukulit at bastos. Matututunan mo kung paano rumespeto at dumisiplina ng sarili at ng ibang tao. Matututunan mong magsakripisyo alang-alang sa ibang tao. Matututunan mong makinig sa problema at payo ng iba at gawan ito nang solusyon para sayo at para na rin sa ibang tao. Kaya naman sipag, tiwala, pagmamahal,pagpapahalaga ang kailangan para maabot ang bungang hinahangad ng isang taong mga pangarap sa buhay. Tayo mismo ang makakapag bigay ng saya, ginhawa, at maayos na buhay natin kung gagawin natin ang tama para sa ating sarili at mga mahal natin sa buhay na sumusoporta at nagtitiwala na maabot mo ang iyong  pangarap sa buhay.





                                                                                                                                   
                                                                                                                                    
                                                                                         

Monday, July 15, 2019




                                                                 SINTESIS:

                                          " PRINSIPYO NG LIPUNANG PILIPINO"



                    Ang alamat ng gubat ay sumasailalim sa pagkatao ng bawat Pilipino. Ang bawat karakter sa alamat ng gubat ay merong sariling prinsipyo at pangmataasan ng ugali. Ang alamat ay hindi lang ordinaryong kwento pinapakita din ito ng pagkakaugnay ng tao. Ang bawat Pilipino ay gagawin ang lahat para lang sa pamilya ganyan din si tong na ginagawa ang lahat para sa ama na may sakit. Ang alamat ay hindi lang ordinaryong kwento pinapakita din ito ng pagkakaugnay ng tao. Ang bawat karakter sa alamat ng gubat ay nagpapakita ng pangmataasang ugali sa bawat isa, Isa na dito ang mga hayop at insekto na inaawayan kung sino ang maghari. Sa paglalakbay ni tong sapaghahanap ng puso ng saging marami pang nadaanan bago makarating sa puso ng saging. Mahahalintulad ito sa Pilipino na maraming dadaanan na problema at pagsubok na tatalakayin bago makuha ang inaasam. Ang alamat ng gubat ay hindi lang pambata na kwento ito ay sumasalamin at ordinaryong pangyayari sa mga tao sa lipunan na ang ibang tao gustong makuha kung ano ang gusto.

Mula sa mambabasa makakakuha ito ng magandang halimbawa ng mga tao dahil sa kasalukuyan ngayon ang mga tao ay unti-unti nang nawalan ng prinsipyo sa sarili. Sa panahon ngayon ganyan ang nanyayari sa ating bansa na ang taong gusto maging lider ay gusto lang para umangat ang sariling kapakanan hindi sa lahat. Sa alamat ng gubat ni bab ong ay kailangan mong may disciplina at prinsipyo sa sarili dahil ito nakapagbigay ng magandang halimbawa ng mga tao. Ang pagiging isang Pilipino ay merong mapangapi at may inaapi. Ang panahon natin ngayon ay imbis na umunlad tayo, nag hilaan pababa ang mga tao sa tingin na nauuna ang iba. Ang paghahanap sa puso ng saging ang halimbawa nito dahil sa kagustuhan ng bawat isa na magkaroon ng kakaibang kapangyarihan pag napasa ang puso ng saging. Ang isa pa ay ang dayaan at suhulan na nangyayari din sa ating pamahalaan ay makikita rin ito sa eleksyon noon na sihulan ang mga tao. Mababatid natin ang suhulan ng kuneho sa mga langaw na kung saan pinipili ang kuneho para itong maging hari ng gubat.

Sa kabuuan ng kwento matutunan ng mambabasa ang kwento ng gubat na sa huli ay nagsasalita si matsing “Handa ba bang magtanim ng batas sa gubat, talangka? Kaya mo bang ipag-utos sa mga hayop ang respeto? Desidido ka bang damitan sila ng dangal at prinsipyo? Determinado ka bang sugpuin ang kabangisan? Nais mo bang magturo ng malasakit sa kapwa at pagkakaisa? Kakayanin mo bang magpadikta sa bulong ng konsensya?” Lumundag si Matsing sa harapan ni Tong para sa huling hamon: “Gusto mo ba talagang makialam sa natural na takbo ng buhaysa gubat”Ang mga salitang iyan ay mas bubuo sa pagkatao ng pagka Pilipino sa ating bayan, bilang isang kabataan ito ang kaharap na pagsubok natin ngayon na naging apektado ang lahat ng Pilipino ngayon sa paguugali kung paano ito dadalhin. 
                                                                                             https://brainly.ph/question/381936#readmore                                                               

PAKIKIPANAYAM (INTERVIEW):                                                       Pakikipanayam:  Ang  pakikipanayam  o pangagaglugad ng i...