Wednesday, July 31, 2019

PAKIKIPANAYAM (INTERVIEW):
                               
                     
Pakikipanayam: Ang pakikipanayam o pangagaglugad ng isang impormasyon ay isang paraaan ng pagkuha ng impormasyon o kabatiran nang harap-harapan. Kung nais nating makuha ang kinakailangan nating kabatiran ay pumili ng mga dalubhasa sa kanilang larangan na nagtataglay ng ganap na kaalaman sa nais nating mabatid.

  Image may contain: 1 person, eyeglasses              Image may contain: 1 person, closeup    MARICEL DION

                                                                           
Pakikipanayam sa Isang Tindera:

    Ako si Rose Ann H. Dion at ang aking kakapanayamin ay isang tindera sa barangay         MARARIGUE, SAN MANUEL, ISABELA na nag ngangalang Maricel Jacinto Dion.

  Rose:             hai, ate magandang hapon.
Ate Maricel:   hai din, anong maipaglilingkod ko?
Rose:             so, ate pwede ba akong mag tanung sayo o pwede ba kitang kapanayamin o iinterview?
Ate Maricel:   pwede, tungkol ba saan?
Rose:             tungkol ito sa pagtitinda mo ate o bilang tindera?
Ate Maricel:   okay sige
Rose:             so, ate bakit niyo na isipang magtayo ng sari- sari store?
Ate Maricel:   naisipan namin ng asawa ko na magtayo ng kaunting sari-sari store para sa pang tustos sa pangangailangan ng aming anak. at dahil din sa  nakita namin na kakaunti lang ang nagtitinda dito sa ating baryo kaya nagtayo kami ng kahit kaunti na sari-sari store.
Rose:              Masaya po ba kayo ate?
Ate Maricel:   OO, masaya  kasi kahit papano yung ipinatayo naming kaunting sari-sari store eh lumago at ngayon may sapat na kaming pinagkukunan ng pangangailangan ng mga pamilya ko.
Rose:             ahm, ilang taon na kayo nagseserbisyo bilang tindera ate?
Ate Maricel:   nag umpisa ito noong edad na 25 ako at ngayon ay 31 na ako. kaya naman 6 years na ang serbisyo ko bilang isang tindera.
Rose:             Ilan po ate yung kita mo sa isang araw o isang buwan?
Ate Maricel:   depende, kung marami ang bibili, pero sa isang araw may kita ako na 500 pataas  dahil rin siguro sa mga tinda kong mabili at kaaliw bilhin ng mga mabibili sakin.
Rose:             Ipagpapatuloy mo pa ang nasimulan mo ate?
Ate Maricel:  Syempre ipagpapatuloy ng aking asawa ang nasimulan namin kasi ako mag aabroad na ako kaya naman ang asawa ko na muna ang magpapatuloy sa nasimulan naming bussiness.
Rose:             so, yun lang po ate salamat, sa pagsagot ng aking mga katanungan saiyo. salamat rin sa iyong partisipasiyon.
Ate Maricel:   oo deng, walang anuman.
Rose:            Sige po ate.salamat ulit

No comments:

Post a Comment

PAKIKIPANAYAM (INTERVIEW):                                                       Pakikipanayam:  Ang  pakikipanayam  o pangagaglugad ng i...